November 4, 2014

Nakakapanlumo, nawala yung file kung saan nandun  yung komposisyon ko sa loob ng tatlong buwan. Konti lang topic nun pero nagbuno ako ng oras, ideya at emosyon para magawa yun. Nakakaiyak sobra. :’( Eto na siguro yung downside ng malimit na hindi pag gamit ng papel at puros MS nalang. Iko-compile ko na pero putragis talaga. Pero sa pagkakaalam ko hindi ko yun binura, hindi naman ako tanga. Bad trip. Hindi mo na mababalik ang nawala na. Kahit anong isip ko, hindi ko na rin tanda mga sinulat ko dun kung meron man, hindi ko na magagagawa ng kasintulad ng nauna.